Ika-32 Linggo ng Panahong May-Bilang, Taon B: Ang Mga Eskriba at ang Biyuda (Markos 12:38-44)

Balangkas ng Markos 12:38-44

  1. Babala tungkol sa mga Tagapagturo ng Kautusan
    • mahilig magpa-display ng sarili (38b)
    • mahilig sa mga natatanging lugar (39)
    • magnanakaw (40a)
    • pakitang-tao sa kanilang espiritwalidad (40b)
  2. Ang Biyuda at ang Dalawang Baryang Tanso
    • Si Jesus sa tapat ng hulugan ng pera sa Templo (41a)
    • may mga mayayamang naghuhulog ng malalaking halaga (41b)
    • may biyudang dukha na naghulog ng dalawang salaping tanso (42)
    • Ang turo ni Jesus: binigay ng biyuda ang pinakamalaking halaga (43-44)

Ang Daloy ng Parirala ay matatagpuan dito.

Mga Tanong Tungkol sa Talata

  1. Nasaan si Jesus sa umpisa ng salaysay?
  2. Anu-ano ang mga ginagawa ng mga eskriba (tagapagturo ng Kautusan) na binanggit ni Jesus kanyang babala tungkol sa kanila?
  3. Ano raw ang ginagawa ng mga eskriba sa mga biyuda? Paano nila ginagawa ito? (Sa pamamagitan ng mga batas na ginagawa nila.)
  4. Sa ikalawang yugto ng salaysay, nasaan si Jesus? Ano ang kanyang ginagawa?
  5. Ano ang kanyang nakitang ginagawa ng mga mayayaman?
  6. Sino ang nakita ni Jesus na nagbigay sa kanya ng okasyon para magturo tungkol sa paghahandog sa Templo?
  7. Ano ba ang biyuda sa lipunan ng mga Judeo?
  8. Ano ang halaga ng dalawang baryang tanso? (1/64 ng isang denarius. Kung ang denarius ay ang minimum wage, ang “lepton”/”widow’s mite”, ay 1/64 niyon.)
  9. Ano ayon kay Jesus ang dahilan at sinabi niya na ang biyuda ang nagbigay ng pinakamalaking ambag sa Templo?

Mga Karagdagang Babasahin

Leave a comment