Ika-13 Linggo: Si Jesus at ang Kamatayan (Mark 5:21-43)

Balangkas ng Talata

  1. Pambungad (21-22a)
  2. Ang Hiling ni Jairo (22b-24)
  3. Ang Babaeng Dinudugo
    • Ang Istorya ng Babae (25-27a)
    • Ang Ginawa ng Babae (27b-29)
    • Ang Reaksyon ni Jesus (30-33)
    • Ang Tugon ng Babae at ang Sinabi ni Jesus (34)
  4. Ang Balita Mula sa Tahanan ni Jairo
    • Ang Balita (35)
    • Reaksyon ni Jesus (36-37)
  5. Ang Pagkabuhay ng Anak ni Jairo
    • Ang Kaguluhan sa Tahanan ni Jairo (38)
    • Pambungad na Salita ni Jesus at Reaksyon ng mga Tao (39-40a)
    • Ang Himala (40b-43)

Mga Katanungan tungkol sa Talata

  1. Sino ang sumalubong kay Jesus sa umpisa ng salaysay? Ano ang kanyang gawain? Ano ang kanyang hiling kay Jesus? Tinanggap ba ni Jesus ang kanyang hiling?
  2. Habang papunta si Jesus kina Jairo, meron pa siyang naka-enkwentro — sino ito? May pangalan ba siya? Paano siya ipinakilala ni Marcos? Ano ang kwento ng buhay ng taong ito?
  3. Sa bibliya, gaano kalubha ang kondisyon ng isang taong inaagasan ng dugo? (Hint: Tingnan, Levitico 15:25-30)
  4. Ano ang iniisip ng babaeng inaagasan ng dugo nang lumapit siya kay Jesus?
  5. Gumaling ba ang babae?
  6. Paano nalaman ni Jesus ang ginawa sa kanya ng babae? Ano ang ginawa ni Jesus nang maramdaman niyang lumabas ang kanyang kapangyarihan?
  7. Ayon kay Jesus, paano gumaling ang babaeng inaagasan ng dugo?
  8. Bago dumating si Jesus kina Jairo, may mga sumalubong sa kanya? Sino ang mga ito at ano ang kanilang pakay kay Jesus?
  9. Nang marinig ni Jesus ang balita, ano ang kanyang sinabi kay Jairo?
  10. Sino ang mga isinama ni Jesus sa bahay ni Jairo?
  11. Nang dumating si Jesus kina Jairo, ano ang kalagayan ng mga tao doon? Ano ang dahilan nito?
  12. Ano ang sinabi ni Jesus sa mga taong nadatnan niya? Ano ang reaksyon ng mga tao sa kanya? Ano ang ginawa ni Jesus?
  13. Nang lumapit si Jesus sa kinaroroonan ng bata, sino-sino ang mga kasama niya?
  14. Ilang taon na ang anak ni Jairo?
  15. Ano ang sinabi ni Jesus nang makita niya ang bata?
  16. Gumaling ba ang bata? Pagkatapos na bumangon ang bata, ano ang iniutos ni Jesus? Ano sa palagay mo ang dahilan sa utos na ito?

Mga Karagdagang Babasahin