Ika-17 Linggo ng Panahong May Bilang: And Pagpapakain ng 5,000 (Juan 6:1-15)

Balangkas ng Talata

  1. Pambungad (1-4)
  2. Ang Pagsubok kay Felipe: Saan kukuha ng makakakain? (5-6)
  3. Ang sagot ni Felipe (7)
  4. Ang sagot ni Andres (8-9)
  5. Ang Pagpapakain
    • Pinaupo ang mga tao (10)
    • Kinuha ang tinapay, nagpasalamat sa Diyos, at ipinamahagi ang tinapay at isda (11a-d)
    • Ang resulta ng pagpapakain (11e)
    • Ang pag-ipon sa natira (12-13)
  6. Ang Reaksyon ng mga Tao (14)
  7. Pagtatapos: Ang Pag-iwas ni Jesus sa pagtatanghal sa kanya bilang hari (15)

Ang Daloy ng Parirala ay matatagpuan dito.

Mga Tanong tungkol sa Talata

  1. Bago ang salaysay na ito, ano ang ginawa ni Jesus? Saan ito naganap?
  2. Nasaan ang Lawa ng Galilea? Ano pa ang pangalang itinatawag dito?
  3. May mga kasama ba si Jesus sa kanyang pagtawid sa Lawa? Gaano sila karami? Ano ang dahilan at sumunod sa kanya ang mga tao?
  4. Kailan nangyari ang salaysay sa kapitulo 6? Ano ang kapistahan ng Paskuwa? Ano ang ipinapaalala nito sa mga Judio?
  5. Sa salaysay na ito, may mga nabanggit na mga alagad. Sino-sino sila? May naaalala ka bang mga talata kung saan ang mga alagad na ito ay binabanggit muli?
  6. Ano ang tanong ni Jesus kay Felipe? Ano ang pakay ni Jesus sa kanyang tanong?
  7. Ano ang sagot ni Felipe?
  8. Ano ang katumbas ng dalawandaang salaping pilak?
  9. Ano ang sinabi ni Andres?
  10. Sa palagay mo, sapat ba ang limang tinapay at dalawang isda sa limang libong katao?
  11. Ano ang ginawa ni Jesus sa mga tao? Nabusog ba ang mga tao sa ipinakain sa kanila?
  12. Ano ang yugto sa kasaysayan ng Israel ang ipinapaalala ng ginawa ni Jesus?
  13. Sapat ba ang ipinakain o sobra-sobra pa? Ano ang ebidensya na sobra pa sa sapat ang ipinakain sa mga tao?
  14. Ano ang reaksyon ng mga tao sa ginawa ni Jesus?
  15. Ano sa palagay mo: kung makikita mong may isang tao na kayang magpakain ng libo-libong tao mula sa kakaunting mapagkukunan, iboboto mo ba siyang presidente?
  16. Ano ang ginawa ni Jesus nang mahalata niya ang iniisip gawin ng mga tao? Ano sa palagay mo ang dahilan?

Mga Karagdagang Babasahin

Leave a comment