Ika-16 Linggo: Si Marta at Maria (Lukas 10:38-42)

Balangkas ng Lukas 10:38-42

  1. Pambungad (38a)
  2. Sa Bahay ni Martha
    • Si Martha at si Maria (38b-39)
    • Si Martha na abala (40a)
    • Ang Hiling ni Martha (40b)
    • Ang tugon ni Jesus (41-42)

Mga Tanong tungkol sa Talata

  • Sa umpisa ng salaysay, nasaan si Jesus? Ano ang kanyang ginagawa?
  • Saan ba ang tahanan ni Martha at Maria? (Sagot: sa Bethania)
  • Sino ba si Martha at Maria? (Sagot: Mga kapatid ni Lazaro)
  • Paano ipinakilala ni Lukas ang magkapatid?
  • Ano ang katangian ni Martha? Ni Maria?
  • Ang paghahanda ba ni Martha ay hindi mahalaga? (Ang “hospitality” ay isang mahalagang katangian para sa mga unang Kristiyano, tingnan, Ebreo 13:2)
  • Ano ang problema kay Martha (Sagot: Siya ay nababalisa at abala sa maraming bagay. Tingnan: Lukas 8:14 ” Ang mga nahasik naman sa may matitinik na damuhan ay ang mga nakinig sa salita ng Diyos, ngunit nang tumagal, nadaig sila ng mga alalahanin sa buhay”)
  • Ano, ayon kay Jesus ang pinili ni Maria? Sinabi ba niyang walang halaga ang ginagawa ni Martha?

Mga Karagdagang Babasahin

  1. Bethania
  2. Luke 10:38-42

Leave a comment